RSS

EDITORYAL (09/29/2014)

07 Oct

peoples action masthead final jpeg


EDITORYAL

Malimit nating naririnig ang katagang, “Ang buhay ng pasahero ay nakasalalay sa drayber”. Sa bigat ng katagang ito, hindi lingid sa atin ang kaakibat na responsibilidad at tungkulin na dapat gampanan ng isang drayber. Mga responsibilidad at tungkulin na siyang magreresulta sa kaligtasan ng pasahero.

Mahirap ang buhay ng isang drayber. Kinakailangang gumising ng madaling araw at makipagsalaran sa daan. Hindi alam kung sapat ang kikitain sa buong araw upang matugunan ang pang-araw araw na pangangailangan ng pamilya. Kaakibat din nito ang mga hindi inaasahang kaganapan tulad na lamang ng mga aksidente sa daan. Ganoon na lamang ang kanilang pagtitiis at pagtitiyaga sa pamamasada na hindi alintana ang init, aksidente at iba pang hamon na kanilang haharapin.

Sa kadahilanang ito, pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang pagtitipon ng mga drayber at operaytor na may layuning magkaroon ng pagkakaisa at kooperasyon ang mga drayber at operaytor tungo sa isang matatag na alyansa na kanilang sandigan at boses sa lipunan. Ito ang alyansang  Cagayan Alliance of Tricycle Operators and Drivers Association, Inc. (CATODA) na magsisilbing sandigan at lakas ng mga drayber at operaytor upang masolbahan ang labang hinaharap at haharapin sa tulong ng Pamahalaang Panlalawigan. Dagdag pa sa pagpapatatag ng alyansa ang panunumpa ng mga opisyal ng CATODA na magsisilbing gabay at paalala sa kanila para maging huwaran sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin at responsibilidad. Kabilang din dito ang paggiya sa kanilang miyembro tungo sa minimithing layunin ng alyansa.

Tunay na napakalaki at napakahalaga ng tungkulin at sebisyo ng transport group sa pag-unlad ng lipunan. Sila ay nagdadala ng mga tao at mangangalakal na magpapalago sa turismo at ekonomiya. Mababakas din sa kanilang gawain ang marangal at maayos na trabaho.
Muli, ang isang magiting at huwarang drayber ay hindi lamang pansariling kapakanan o negosyo ang pinasukang trabaho ang iniisip kundi ang pagtupad sa tungkulin at responsibilidad, sinumpaan man o hindi, upang mapagsilbihan ng may pag-iingat at maayos ang mananakay at ang mismong lipunan.

 
Leave a comment

Posted by on October 7, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: