RSS

EDITORYAL (10/07/2014)

13 Oct

peoples action masthead final jpeg


EDITORYAL

Ang pagbibigay ng tulong pinansyal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa mga barangay ay pagpapakita ng pagtupad sa mga pangako at pagsagot sa hinaing at kailangan ng mga Cagayano. Ito ay simbolo ng isang tapat at malinis na paninilbihan at walang sawang paglilingkod ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa mga mamamayan.

Tunay ngang may malaking epekto ang mga imprastraktura at pasilidad sa pagkamit ng kaunlaran. Mapapalago nito ang ekonomiya at kalakaran pati na ang industriya ngTurismo na siyang magdadala ng dagdag na  pangkabuhayan at pagkakakitaan para samga mamamayang Cagayano.

>Gayun pa man, ang pagbibigay ng pondo sa mga opisyal ng barangay para sa pagpapatayo ng mga proyektong sila mismo ang tumukoy ay nangangahulugan ng pagkilala sa kakayanan at angking galing ng mga opisyal na mamuno at isabuhay ang sinumpaang tungkulin. Pamamaraan din ito ng  pagbibigay respeto sa kanila tanda ng tiwala ng Pamahalaang Panlalawigan sa paggampan ng kanilang responsibilidad tungo sa malinis na pag gogobyerno.

Dagdag pa dito ang pagbibigay ng Pamahalaang Panlalawigan ng karapatan sa mga mamamayan at mga lider na sila mismo ang magpapatupad at magpapatayo sa mga proyektong kanilang tinukoy ay tanda ng pagkilala sa kahalagahan ng pagkakaisa, pakikiisa at partisipasyon ng mga mamamayan sa paggobyerno. Pagpapakita din ito sa kahalagahan ng pakikipagsalubungan ng mga mamamayan at mga opisyal sa gobyerno upang makamit ang pagbabago at pag-unlad bilang  pagsasakatuparan sa adbokasiya  ng Gobyerno ti Umili, layunin nito ay hubugin hindi lamang ang husay at galing ng mga Cagayano kundi gisingin at imulat sila sa katotohang mahalaga ang  pakikilahok  at pakikiisa ng bawat mamamayan upang makamit ang  makataong  pamamahala.

Muli, huwag nating kalimutan na sa pagkamit ng tunay na kaunlaran at makabuluhang pagbabago, mahalaga ang pagkakaroon ng pagkakaisa, buhay na pagbibigkis at mahigpit na pagkakatuwang ng gobyerno at mamamayan. Ang pakikilahok at pakikibahagi sa mga proyekto at programa mula sa pagplaplano, pagbuo at pagpapatupad hanggang sa pagsubaybay sa mga ito ang tunay na kahulugan ng kaunlarn at pag-asenso.

 
Leave a comment

Posted by on October 13, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: