RSS

People’s Action News (10/07/2014)

13 Oct

PA Oct 7Oktubre 5, 2014 – Nagbigay ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ng tulong pinansyal para sa mga proyekto na kailangan ng mga mamamayan ng Claveria, Cagayan. Sa nasabing okasyon na ginanap sa Municipal Gymnasium ng Claveria, 21 barangay ang nabigyan ng tulong pinansyal para sa mga proyektong makakatulong sa mga mamamayan dito. Kabilang sa mga barangay na nabigyan ng tulong pinansyal ay ang Bacsay Cataraoan Sur, Bacsay Mapula-pula, Cadcadir East, Capannikian, Centro 5, Centro 3, Centro 8, Lablabig, Luzon,  Mabnang, Magdalena, Nagsabaran, Pata West, Pinas, San Antonio, San Isidro, San Vicente, Sta. Maria, Sto. Tomas, Taggat Norte at Taggat Sur.

Dinaluhan ang nasabing okasyon nina Bise-Gobernador Odi N. Fausto, Board Member Vilmer V. Viloria ng pangalawang distrito at ilang opisyal ng munisipyo at barangay.

Bilang panimula sa seremonya, nagkaroon ng oryentasyon hinggil sa Gobyerno ti Umili (GTU) bilang paalala sa mga opisyal at mamamayan sa kanilang tungkulin at responsibilidad sa paggogobyerno. Nabanggit sa nasabing oryentasyon ang dapat na pagiging tapat sa tungkulin at ang malinis na pamamahala ng mga opisyal. Kabilang din sa oryentasyon ang pagbibigay paalala sa mga mamamayan sa kanilang responsibilidad na mag-ambag ng tunay na paglilingkod at makabuluhang pagbabago sa pamamagitan ng kanilang kooperasyon at pakikipagsalubungan sa gobyerno tungo sa mahigpit na pagkakatuwang at buhay na pagbibigkis.

Nagbigay ng mensahe si Bise-Gob. Fausto at ayon sa kanya, patuloy ang suporta at tulong na ibinibigay ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga Cagayano. Dagdag pa niya na laging nariyan ang Pamahalaang Panlalawigan na handang makinig, umintidi, nagmamalaskit at gumagabay sa mga Cagayano. Ito ang opisinang bukas sa kanino man na nangangailangan ng tulong lalong-lalo na kung para sa kabutihan ng mga barangay at mamamayang Cagayano.

Sa mensahe ni Board Member Viloria, nagpapasalamat siya sa magandang pakikiisa ng mga mamamayan ng Claveria sa Pamahalaang Panlalawigan para sa progreso ng prubinsya. Binigyang diin din niya ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng mamamayan sa Pamahalaang Panlalawigan sa usapin ng paggogobyerno.

Ang tulong pinansyal ay pagtupad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa mga hiling at hinaing na proyektong imprastraktura ng mga Claverianos na siyang makakatulong sa kanilang pag-asenso.  Laking pasalamat ng mga Claverianos sa tulong pinansyal para mga proyektong kanilang kailangan at ipinangako nilang ipapatupad ang mga ito ng tapat at malinis.

Ang mga sumusunod ay ang mga proyektong ipinagkaloob sa ilang barangay ng Claveria:

table

Ballesteros District Hospital-Nangunguna

Noong nakaraang Oktubre 2, 2014, nagpatawag ng meeting ang Philhealth, sa  pangunguna ni Rosales Guzman ng office of the Vice president sa lahat ng mga nakatalagang Point of Care (POC)  sa 13 District Hospital sa lalawigan ng Cagayan, kasama na rin ang kanilang mga liason Officer pati na rin ang mga Clerk. Pinag-usapan sa meeting ang mga pangunahing problema sa pag-eenrol katulad ng pag-eencode kung saan nagkakaroon ng maling spelling ng pangalan ng i-eenrol at maling petsa ng kaarawan higit sa lahat, ang pagveverify kung miyembro na siya ng Philhealth o hindi pa gamit ang Phic verification. Ang kadalasan kasing nangyayari ay nagkakaroon ng problema ang POC dahil sa portal o ang Online Rapid Enrollment (ORE)  nila ay   lumalabas na YES, na ang ibig sabihin ay miyembro na siya ng Philhealth, at may PIN number na siya at kasalukuyang aktibong benepisyaryo, samantala pagdating sa opisina ng Philhealth, ang lumalabas na resulta ay NO, na ang ibig sabihin ay hindi na aktibong miyembro ng Philhealth at naputol na ang pagbabayad ng kontribusyon o kaya naman, siya ay dating nagtratrabaho at hindi lang nagbabayad ang dati nitong employer.

Ginawang halimbawa ng Philhealth ang Ballesteros District Hospital (BDH) na may magandang sistema ng pag-eenrol ng POC. Ang mga nakatalagang POC ng nasabing  ospital ay hindi na  tinatanong kung may Philhealth ang isang pasyente, kinokonsidera na nilang kwalipikado itong ma-enrol bilang Point of Care. Ayon pa kay Doktor Nicasio Galano, ang Chief of Hospital ng BDH, ang pwesto ng kanilang POC ay madaling makita, at may mga  Nurse na tinituruan para sa proseso ng pag-eenrol, para kahit wala ang mga POC ay makakapag-enrol sila, lalo  na sa gabi,  sabado at linggo At higit sa lahat, may magandang pagsasamahan ang bawat staff ng nasabing ospital. Mula Enero hanggang Setyembre ng taong kasalukuyan, meron na silang 779 na na-enrol na mamamayan ng Cagayan.

Para magkaroon ng madaling proseso sa pag-eenrol, napagkasunduan ng mga Philhealth Officer at POC na pagdating pa lang sa ospital ng pasyente, kakapanayamin na ito agad, at kukunin ang lahat ng mahahalagang  impormasyon  at ipapasa sa ospital at sila ang magveverify sa Phic verification kung ito ay puwedeng i-enrol o hindi. Dapat 24 hours na na-confine ang isang pasyente bago makwalipikang ma-enrol at kung ang pasyente ay kinakailangang mailipat o marefer sa ibang ospital, kinakailangan nitong mabigyan ng certification na siya ay enrolled sa POC. Sa  mensahe na ibinigay ni Dr. Marcos Mallillin, maari pa rin namang mapaganda ng ibang District Hospital ang kanilang sistema sa pag-eenrol at may mga Hospital din naman na hindi pahuhuli sa kanilang sistema sa pag-eenrol. At upang mapadali sa claim transmit, kinakailangan lamang na ihiwalay ng bawat hospital ang na-enrol sa POC at ang mga regular na pasyenteng may Philhealth na. At binigyan diin niya na isa sa pakinabang ng POC ay ang No Balance Billing (NBB) o walang babayaran ang pasyente paglabas ng ospital.

 KARAPATAN NG ISANG BATA

Ang karamihan ng mga bata ay lumalaki sa mga pamilya kung saan sila ay ligtas at sigurado. Pero para sa ilan sa kanila, maaaring may mga alalahanin tungkol sa kanilang kaligtasan – kailangan ng mga batang ito ang ating tulong.Kung may mga alalahanin tungkol sa kaligtasan ng isang bata, tungkulin ng isang child welfare worker, ayon sa batas, na tumugon sa ilalim ng Child, Family and Community Service Act (Batas ukol sa Serbisyo sa Bata, Pamilya, at Komunidad).

Titingnan ng isang child welfare worker ang anumang mga alalahanin at titiyakin kung anong gawain ang makakatulong upang maging ligtas ang bata. Maaaring kabilang dito ang pagbigay ng mga serbisyo sa iyong pamilya o suporta sa iyong tahanan, o ang paglagay ng bata sa pangangalaga ng mga kaibigan o mga kamag-anak.Minsan, ang kinakailangang gawin upang maging ligtas ang iyong anak ay ang pag-iimbestiga sa mga alalahanin tungkol sa kaligtasan.

Ang polyetong ito ay magbibigay sa iyo ng buod ng proseso ng imbestigasyon sa pagprotekta sa bata.

10 KARAPATAN NG MGA BATA
Maipanganak, magkaroon ng pangalan at bansang kinabibilangan
Maging malaya at magkaroon ng pamilyang mag aaruga sa akin.
Mabigyan ng pagkakataon na makapaglaro at oras na maging malaya .
Magkaroon ng masaganang pagkain, tirahan, mabuting kalusugan at malakas na pangangatawan .
Magkaroon ng magandang edukasyon
Malayang maipahayag ang aking sariling pananaw at opinion
Mahasa ang aking kakayahan
Makatira sa isang mapayapang pamayanan
Mabigyan ng proteksyon laban sa mga abuso, panganib at karahasan dulot ng gulo at alitan.
Maipagtanggol at mapagsilbihan ng ating pamahalaan

Source: http://www.mcf.gov.bc.ca/child_protection/pdf/translated/Filipino/cp_investigation_tgl.pdf;
http://henriellekyle.blogspot.com/2009/03/10-karapatan-ng-bata.html

 
Leave a comment

Posted by on October 13, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: