RSS

People’s Action News (11/24/2014)

15 Dec
Pagpapasinaya nina Gob. Antonio, Bise-Gob. Fausto at Mayor Pattung sa Baggao District Hospital.

Pagpapasinaya nina Gob. Antonio, Bise-Gob. Fausto at Mayor Pattung sa Baggao District Hospital.

Noong Nobyembre 18, 2014,  ginanap ang pagpapasinaya sa District Hospital sa barangay Tungel sa bayan ng Baggao. “Libreng serbisyo para sa kalusugan lalo na sa mga hikahos,”  ito ang tahasang ipinahayag ni Gobernador Alvaro T. Antonio. Ang kanyang mensahe ay nakatuon hindi lamang para sa bayan ng Baggao kundi sa buong lalawigan ng Cagayan.

Pinangunahan mismo ni Gob. Alvaro T. Antonio at Bise-Gobernador Leonides N. Fausto ang pagpapasinaya sa nasabing district hospital. Sa naging mensahe ng Gobernador, binigyang diin niya na isang magandang serbisyong pangkalusugan ang iniaalay ng kanyang administrasyon sa mga mamamayan sa bayan ng Baggao.

Ayon sa Gobernador, bawat pasyente na papasok sa mga district hospitals ay mabibigyan ng libreng serbisyong pangmedikal.

Dagdag pa niya na sa pamamagitan ng mga magagaling na doktors, narses, makabagong kagamitan at aparato, malawak at maaliwalas na gusali ay naipapaabot ang serbisyong medikal sa mamamayan ng Baggao upang hindi na magtungo pa sa lungsod ng Tuguegarao para magpagamot.

Hinikayat din ni Gob. Antonio ang mamamayan ng Baggao na pahalagahan ang nasabing pasilidad sapagkat ito ay inilaan para sa kapakanan ng mga residente rito. Samantala, sa mensahe ni Bise-Gobernador Leonides N. Fausto, na ang bayan ng Baggao ay pinaglalaanan ng malaking pondo sa ilalim ng administrasyon ni Gob. Antonio at ito lamang ang bayan na may tatlong district hospital sa buong lalawigan upang pagsilbihan ang 48 na barangays dito.

Ang ospital na matatagpuan sa barangay Tungel ay pinangalanang Baggao District Hospital na may 10 bed capacity at pansamantalang nasa kategoryang Infirmary at nakaprogramang maging District Hospital at kalaunan ay nagkaroon ng 25 bed capacity. May malawak na Emergency Room, delivery room, laboratory department (OPD). Kasama na rin ang Doctor’s Quarter ang kanilang Pediatric ward ay kumpleto sa makabagong pasilidad. Kasalukuyang ginagawa ang mga kwartong paglalagyan ng ultra sound at x-ray machine. Humigit kumulang sa 1.5 na ektarya ang lupang kinatitirikan nito, at nagkakahalaga ng 25 Milyon at 10 Milyon naman ang halaga ng mga pasilidad.  Ito ay pinondohan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan mula sa Trust Fund at katuwang ang Department of Health.

Ang pagpapasinaya ay dinaluhan ng mga local officials sa bayan ng Baggao, sa pangunguna ni Mayor Leonardo Pattung at Vice-Mayor Emily Carmona, kasama ang Sangguniang Bayan Members ng Baggao, kapitan at mga barangay tanod. Kasama ang 2 doktor at 15 narses at narsing aid mula sa Provincial Health Office sa pamumuno ni Provincial Health Officer Dr. Marcos M. Mallillin, kasama sina Dr. Carlos Cortina III, Dr. Charity Canapi na siyang magiging OIC-Chief of Hospital at iba pang mga kawani mula sa iba’t ibang departamento at dibisyon sa Kapitolyo.

Ipinahayag din ni Mayor Leonardo Pattung ang kanyang pasasalamat sa pamunuan ni Gob. Antonio sa napakaraming proyektong naipatupad sa bayan ng Baggao. Ayon kay Pattung, ang lupang kinatatayuan ng nasabing ospital ay ibinigay ng LGU Baggao para sa nasabing ospital. Ito ay napagkaisahan ng mga Sangguniang Bayan members upang mapagsilbihan ang mga pangangailangang medikal ng Baggao.

Peace and Order Forum ginanap

Reclaim Peace in Tuguegaro, Stop the Killings.” Ito ang panawagan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gobernador Alvaro T. Antonio at ang lahat ng dumalo sa Peace and Order Forum na naganap Lunes ng Nobyembre 17, 2014 sa People’s Gymnasium, Tuguegarao City, Cagayan.

Sa naganap na forum na dinaluhan ng ilang political leaders ng Tuguegarao sa pangunguna ni Mayor Engelbert Caronan, Jr., mga hanay ng kapulisan sa pangunguna rin nina Police Chief Superintendent Ronaldo Olay, OIC-Provincial Chief of Police at Police Chief Superintendent Jessie B. Tamayao na OIC-Chief of Police ng siyudad, dumalo rin si Atty. Amador T. Arao, Provincial Prosecutor, mga barangay officials sector ng VODA, JODA, TODA pati na rin ang ilang representante ng mga kabataan.

Nabanggit ng Gobernador na kinakailangan ng bawat mamamayan na magtulungan upang masupil ang laganap na kriminalidad sa puso ng Cagayan na siyudad ng Tuguegarao. “Ang dami ng namatay sa siyudad na ito, mahigit na sa daliri ko ang bilang ng mga hindi pa naresolbang kaso dito sa Tuguegarao. Huwag kayong mawalan ng pag-asa, ako kasama si Mayor Caronan at ang hanay ng mga kapulisan ang kasangga niyo. Kung may nalalaman kayo huwag kayong matakot na magsalita dahil kami ang aalalay sa inyo,” sabi ng Gobernador sa mga taong natatakot lumantad dahil sa takot na balikan sila ng mga gumawa ng krimen.

Sa kabilang banda inilatag naman ni PSupt. Jessie Tamayao ang kapabilidad ng hanay ng kapulisan sa pagsawata ng mga kriminal na nagkalat sa siyudad.

Sinabi nito na kulang talaga ang kapulisan ng Tuguegarao sa pagbabantay sa bawat sulok ng siyudad. “Ang police to population ratio sa atin ngayon ay 1:789, mayroon tayong pitong substation at lumalabas na ang isang pulis ay para sa limang libong Tuguegaraoeños, mayroon lang din limang patrol cars na lumilibot sa buong siyudad, kung aasahan lang natin ang kapulisan maaaring mahantong talaga sa kamatayan ng mga biktima,” sambit ni Tamayao.

Ayon sa pagtatasa ng kapulisan, ang siyudad ng Tuguegarao ay tahimik at nagkagulo lamang dala ng usaping political at sosyal na bumabalot sa siyudad.

Ngunit sa tulong ng Pamahalaang Panlalawigan sinabi ng Gobernador na bilang solusyon maglalagay sila ng mga high  end na CCTV cameras sa siyudad upang mamonitor lahat ng check points. Nagdagdag na rin ng tatlongpu’t libong PNP members na ikinalat na sa lungsod.

Nais din ng Gobernador na magbigay ng mga motorsiklo at hand held radios sa bawat barangay upang ang bawat barangay officials ay makatulong sa pag responde at magbigay ng impormasyon na kinakailangan sa paglutas ng krimen.

Nangako pa ang Gobernador na magbigay ito ng tatlong Multicab sa mga COMPAC stations upang mapunan ang kakulangan sa patrol cars ng pulisya.

TIMEK ITI NORTE
MENSAHE NI GOB. BONG ANTONIO
PEACE AND ORDER FORUM
November 17, 2014

 Mappiya nga umma ta nikayu ngamin. Mayor Jojo Caronan, Vice Mayor De Guzman, the Honorable Councilors of the City Of Tuguegarao, Piskal Arao, Col. Olay, COP Tamayao, mga kapulisan, mga Brgy. Captain, mga NGO’s, mga TODA, mga VODA, mga JODA, kayong lahat na nandito ngayon. Nagpapasalamat ako at dumalo kayo sa pagpupulong natin tungkol sa kapayapaan. Alam nating lahat may problema. Ang problema natin ay ang deteriorating peace and order situation. Hindi ko lang problema ito, hindi lang problema ni Mayor Caronan, hindi lang problema ng kapulisan, problema nating lahat ito. Nasisira na ang Tuguegarao. May pananaw na masama ang Peace and Order dito sa Tuguegarao. Malaking problema ito. Let us help each other, let us pull our resources. Magtulungan tayo, mag-coordinate tayo para itong problema na ito ay mabigyan ng solusyon. Uulitin ko problema nating lahat ito.

Kung mahal niyo ang Cagayan, kung mahal niyo ang Tuguegarao everbody should help to arrest the deteriorating peace and order in the Province of Cagayan especially Tuguegarao.
Sinasabi ko ang puso at mukha ng Cagayan ay ang Tuguegarao. If we allow the peace and order situation in the heart and face of the province of Cagayan apektado tayong lahat, walang mangyayari sa atin, masisira ang prubinsiya, masisira ang Tuguegarao. Let us help one another, problema nating lahat ito. Let us not give up into complacency. Huwag tayong magkumpiyansa na Tuguegarao is relatively peaceful. Hindi totoo iyan. Alam nating lahat na lumalala ang peace and order in the City of Tuguegarao. There is fear among the people. There is animosity among the different political personality in the City of Tuguegarao. We have to say and admit that. Nagkawatak-watak ang liderato ng City of Tuguegarao. We must solve and address this problem.

The mark of a good leader is that they must have no right or left, walang kaliwa’t kanan in implementing their duties and obligations, in implementing their roles as leaders. Let no political affiliations be the source of dispensing political favors. Then and only then can we get the trust of the people, then and only then can we live up to our mandate, na tayo ang leader, leader ng lahat, hindi lang leader ng magkakakampi. I would want this to happen in Tuguegaro, and this change should start coming from us. Nahihiya na ako sa mga nangyayari sa ating Tuguegarao. So I have taken this step na para ma-restore ang confidence and trust of the people to their officials, to the kapulisan, we the leaders of the Province, we the leaders of the city of Tuguegarao, we the kapulisan, we who are members of the law enforcement agency and the leaders of the law enforcement agency should get back the trust that the people have repose on us.

Make that trust stronger, then and only then we can face ourselves in the mirror, and say we are doing our job and we are doing it well.

Mga kababayan, mga minamahal kong nandito ngayon. Let us device a system wherein we could coordinate and help one another arrest this deteriorating peace and order. On part of the provincial government, I have manifested this to the City officials, to the kapulisan, that we must have good source of information. People the citizenry, everyone should speak out, and tell the authorities of what is happening in their barangays. In their sitio’s in their locality. We should encourage the people to talk about matters that pertains peace and order situation. Let us get their trust. The best way to get back the trust of the people is for its leaders na ipakita ginagawa natin ang trabaho. Kung isang political leader ay nakikinig lang sa mga kasamahan niya sa politika, walang mangyayari sa leader na iyan! yung Brgy. Captains, Brgy officials should speak out and stand.

Kayat niyo laingen na kastoy ti mapas-pasamak? Mabutbuteng kayo amin. Adda daguiti nasayaat nga leader nga naaddaan iti nasayaat nga intensiyon ken kaya na nga itakder protektaan ken depensaran da kayo. Once you do your job as a good citizen.

Nu kaspangarigan saan kayo nga agtalek kadaguiti namnamaen yu nga mangidadaulo ket saan da kayu nga denggen, adda nak nga mangitakder kadakayu. I stand and I will protect people who will cooperate and help the province, the city, to maintain peace and order situation. The Government , the Provincial Government, the City Government is not without resources, capability and ability to do what is right at ma-resolve ang problema nating peace and order situation. Speak out! Agsarita kayo. Ado daguiti makaammo kadaguiti mapaspasamak iti nagkal-labes, ngamin laeng, mabuteng da. Takot silang magsalita at takot silang magsabi kasi baka itong pulis na ito, itong leader na ito isusumbong ako at reresbakan ako.

I appeal to your sense of goodness, and sense of love to your fellow Tugegaraoeños, and your love for your city, to motivate you, to cooperate, and help the leaders of the city, mga kapulisan, mga law enforcement agencies natin. I have device a system wherein those who perform their civic duties, those who go beyond their call of duty, performed great will be humbly rewarded and recognized.

 
Leave a comment

Posted by on December 15, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: