RSS

SPES screening, dinagsa

06 May
Masusing pinili ng PESO at PAC ang mga aplikante ng SPES.

Masusing pinili ng PESO at PAC ang mga aplikante ng SPES.

Nina Angelyn S. Lacambra at Elizabeth Leeanne B. Collado

Dinagsa ng daan-daang estudyante ang pagpipili o screening para sa Special Program for Employment of Students (SPES) na ginanap noong April 22-23, 2015 sa Governor’s Pavilion at Capitol Gym, Capitol Hills, Tuguegarao City. Ito ay pinangunahan ng Public Employment Services Office (PESO) at People’s Action Center (PAC). Layon ng pagpipili na salain ang mga aplikante batay sa requirements at standards na dapat sundin bago sila tuluyang matanggap bilang student-employees.

Ayon kay Teofilo Paulasa Jr., Officer-in-charge ng PAC, ang pagsasagawa ng screening ay mahalaga dahil dito mahigpit na sinasala ang mga karapat-dapat para sa SPES. “Sa pamamagitan ng screening ay makikilala natin ang mga estudyanteng mahihirap ngunit may angking galing at talento na higit na nangangailangan ng assistance para sa kanilang matrikula at iba pang pangangailangan sa darating na pasukan. Ang mga makukuha na student-employees ay dapat handang magtrabaho tulad ng isang empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan at buo ang determinasyon para sa mga iaatas na gawain para sa kanila sa iba’t ibang opisina sa Kapitolyo,” dagdag ni Paulasa.

Samantala, ikinatuwa naman ni Marites Taccad, PESO Manager ng lalawigan, ang bilang ng dumagsang aplikante para sa SPES ngayong taon. Ayon sa kanya, ito ay nagpapatunay na parami ng parami ang kabataang nagnanais magkaroon ng makabuluhang gawain tuwing bakasyon. “Nakakataba ng puso na masilayan ang masidhing pagnanais ng kabataang Cagayano na magkaroon ng sariling mapagkakakitaan at makatulong sa kanilang mga magulang. Umaasa ang Pamahalaang Panlalawigan na higit na mapayabong ng SPES hindi lamang ang kanilang pangangailangang-pinansiyal kundi gayon na rin ang kanilang kakayahan sa pagtatrabaho, pakikisalamuha, at tamang pakikitungo sa mga kliyente.

Ang SPES ay taunang isinasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE). Ang 60% ng kanilang sasahurin ay magmumula sa pondo ng Pamahalaang Panlalawigan at ang 40% naman ay manggagaling sa DOLE.

Ang mapipiling SPES student-employees ay magsisilbi sa PAC, Provincial Information Office, Provincial Learning Resource Center, Provincial Natural Resources Environment Office, at Provincial Climate Change Disaster Risk Reduction Management Office.

 
Leave a comment

Posted by on May 6, 2015 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: